Nah. These pictures makes me want to keep living, srsly. Deactivate
Gusto ko nang i-deactivate tong tumblr ko at gumawa ng bago. Kailangan kong magsimula ulit. Medyo naging rough ang buhay ko dito sa tumblr. Ups and downs. Naging saksi sa mga nangyari sa buhay ko sa nakaraang tatlong taon. Ayoko nga sana pero siguro kailangan ko ring mag-let go sa mga memories. Ito kasi yung hindi ko matanggal-tanggal sa sarili ko, ang mag-let go agad. Kung tutuusin, ang mga memories ay hindi binabalikbalikan, hindi iniipon. Ang mga memories ay pinapakawalan. Hawak-hawak mo pa rin naman sila, hindi nga lang yung buong-buo. Dahil naging parte na sila ng buhay mo, nag-merge na ang mga ito sa pagkatao mo. Kaya kung nais mong maalala ulit yung mga yun, isipin mo na lang kung ano ka ngayon. Re-blogging this not just only because of HP, but also because of how epic the editing is. |